Sunday, August 20, 2006, 09:52 AM - Realizations
I am proud to say (and I guess most of my co-Generation X folks also do) that I am a Famicom Baby! That is - lumaki akong naglalaro at minsan pa nga eh adik sa Family Computer games. Sa mga hindi nakakaalam (meron bang hindi??), ang family computer eh yung old school na gaming console featuring simple-yet-addictive 8-bit games na sumikat nung 1980s. If I'm not mistaken, Famicoms (or also called NES) were the ones that put the name Nintendo in the list of the most prominent gaming console makers. Hindi ganoon a complex ang Famicoms as compared sa PS2, Xbox, Gamecube, etc of today.. pero the games during that time, albeit being soooo simple, eh talagang nakakaadik na tipong ipagpapalit mo ang isang perfect score sa assignment makalaro lang nun. Dorky din ang mga sound effects nun. Since 8-Bit lang ang games nun, you won't expect hearing wav/mp3-quality sounds.. instead ang maririnig mo eh yung mga simpleng monotonic sounds and music na matatawa ka minsan kasi parang nagaagawan pa sila ng channels na gagamitin. Pero okay lang.. kasi unlike the game music of today, mas nakakaLSS pa nga yung mga music noon... kahit parang "tenen-ten-tenen-ten..ten" lang ang tunog.The Games
What's a Famicom kung wala ang mga games na nagestablish ng kanyang popularity? Siyempre, nangunguna dun si Super Mario! Siya yung italyanong mahilig sa mushroom na kinakalaban si King Koopa at nililigtas ang Mushroom land. Pero sa games non, who cares kung ano ang misyon niya... simple lang ang concept ng laro ng Super Mario. Finish the game. Paniguradong, mauupod ang daliri mo kakapindot ng Left-Directional button at ng A saka B kasi side-scrolling siya. Simple lang din ang graphics.. kahit siguro non-fine-arts major, kaya silang idrawing.. pero who cares about the graphics? Sobrang sumikat ang Super Mario to the point na naglabas pa nga sila ng TV Show noon.. at nagkaron pa ng Dance Hit na Super Mario nung late 1980s. Then ngayon, kahit yung mga high-end na consoles ng Nintendo eh may Super Mario pa rin. Talagang, you can't claim that you're a Famicom baby if you haven't played Super Mario.Ang iba pang games na sumikat sa NES/Famicom noon eh ang Legend of Zelda, who according to Prof. Runie was the Best RPG of it's time. Can't disagree.. ang dami ding incarnations ng Zelda sa mga panahon ngayon and it even had a TV show din noon kasabay nung Super Mario. And the name Zelda's not a stranger to everyone talaga. Siyempre nandyan pa rin si Pacman, kahit na noon pa sa Atari days niya eh sumikat na siya. And who can forget about Contra?? Yun bang Rambo style na game kung san two players kayo (pwedeng one player lang din) na tatapusin niyo all 8 missions. Simpleng side-scrolling-barilan game siya pero sobrang addictive na kahit ilang beses mo nang natapos eh ndi mo pa rin matigilan.
What else...
Siyempre hindi papatalo ang Star Wars. Haha. Hindi siya ganon kasikat tulad ng Mario/Zelda/Contra.. pero isa to sa mga kinaadikan kong laro. Malamang, kasi Starwars. Pero this is probably one of the best Starwars games na nalaro ko. Hindi siya officially gawa ng Lucasarts. I believe this is an early independent creation of Namco -- yung game creators ngayon na sikat na. Sobrang galing ng pagkakagawa ng Namco na naging parang wala lang yung official na Starwars game ng Lucasarts.The Legacy
Malaki talaga ang impact na iniwan ng Famicom games sa aming lahat... at maski sa mga taong hindi nakalaro nito. Kasi dahil sa naghit ito.. nachallenge ang mga game-creators na gumawa ng mas astig na mga games. Nasundan and Famicom/NES ng isa pang sikat na console na SNES (a major improvement ng NES games) kung san madaming sikat na games na lumabas. Then siyempre over the years, naglabasan na din yung mga higher-end the consoles such as PSX, N64, GBC, GBA, PS2, XBox, PC Games etc. Ngayon, kung wala ka nang makitang Famicom console, pwede mong maenjoy yung mga old school Famicom games sa PC niyo through an Emulator (I use Nestopia.. astig!). Siguro nga laos na yung mga old school games na yun.. pero if we look back, let's admit na mas naadik tayo sa mga games noon kesa sa mga games ngayon. I don't know kung bakit.. kasi sa totoo lang, mas complex at sophisticated ang mga games ngayon.. pero Famicom is a proof that nothing beats the original!
Tuesday, August 15, 2006, 07:33 PM - Realizations

Si Referee Tani with his infamous: IIIKEEEEE!!!
Nung Sunday, nakapanood ako ng isang buong episode ng Takeshi's Castle sa youtube.com. Sobrang natuwa talaga ako nung nakita ko yun kasi it's been almost a decade na siguro nung huli kong napanood yung Takeshi's Castle, noon pa sa Channel 13. Para sa mga hindi nakakaalam, yung Takeshi's Castle eh yung palabas sa japan kung san maraming contestants ang magaattempt na iinvade yung castle ni takeshi. Pero before they could even get close to Takeshi, they must survive several extreme events. If they do survive, makakalaban nila si Takeshi sa barilan ng blue-colored water. Basically, yun yong show.. pero dito sa Pinas, siningit sila Anjo Yllana (as Takeshi) at Smokey Manaloto (as Iwakura) para mas nakakatawa (o nakakainis? haha pero dati natatawa ako).
Nakakatawa yung Takeshi's castle simply because nakakatawa yung mga contestants nila. Dahil sa kagustuhan nilang makuha yung 1,000,000 yen.. sasali at magpapakahirap sila sa mga events tulad ng:
- Pagakyat sa madudulas na wall.
- Pagtawid sa isang hanging bridge habang binabato ng bola.
- Pakikipagsumo wrestling sa mga alipores ni Takeshi.
- Susubukang sirain yung pintuan habang binabangga ng mga katawan nila.
- Tatawid sa isang lake kung san ang mga tnatapakan nilang mga bato ay pwedeng peke at pwedeng totoo.
- Gagawin silang human pinball.
- Makikipaghabulan sa dalawang "monsters" sa isang maze.
- Magaala-Tarzan swing.. at kung mahuhulog sila, diretso sila sa putikan.
- Tatawirin ang isang bridge na magalaw at paikot-ikot.
- Papanik sa isang madulas na hill habang binabato ng malalaking bato.
- And many more crazy others.
Patok na patok talaga ang Takeshi's castle noon sa kadahilanang, di pa masyadong laganap ang Cable TV. Pero sobrang classic talaga yun. Lahat ng taong alam yung palabas na yun, enjoy na enjoy dun. Yun din yata ang nagpasikat sa Mentos dito sa Pilipinas kasi palagi nilang nipaplug yung mentos sa show nila before "makipaglaban" si Takeshi sa final event.
Matatandaang ang Takeshi's Castle ay karaniwang every Sunday ng 8:00 PM sa Channel 13. Ngayon, hindi na siya pinapalabas dito sa Pilipinas. Pero makakapanood ka ng ilan sa mga events ng Takeshi's Castle sa youtube.com. So para sa mga ka-Generation X ko.. halina't sariwain natin ang ating childhood memories with Takeshi's Castle! Astig!
Saturday, August 12, 2006, 09:59 AM - Realizations

Ang panty ni Annie in all its glory!
Nung panahon namin.. yun bang simula ng Generation X, hindi sila Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Gloria Macapagal Arroyo ang mga bayani namin... kundi si Shaider. Napakalaking impluwensya talaga ang bigay sa amin ni Shaider. Mula sa kanyang mga killer astig moves, ass-kickin' at pamatay na punchlines, hanggang sa kanyang fit na fit at hindi pinapalitang outfit. Dahil kay Shaider, natutunan kong maging mapagmahal sa aking kapaligiran. Natutunan kong ipaglaban ang tama sa mali. Natutunan kong makipaglaban para sa katarungan, pagkakaibigan at pagibig. Higit sa lahat, ipinasok sa aking kautakan ni Shaider ang konsepto ng tunay na katapangan at pagibig sa kahit anong mabuti.
Dahil sa mga magagandang asal at kaugaliang naituturo sa akin ni Shaider, ginawa kong kaugalian na panoorin ang kanyang palabas. Kung kailangang makinood ako sa kapit-bahay, ginagawa ko -- huwag ko lang makaligtaan ang isang makabuluhang tagpo sa kanyang pakikipagsapalaran. Ginawa ko ring habit ang manood ng Shaider upang masilayan ko, kahit sulyap lang, ang panty ni Annie na walang anu-ano'y ipinapakita sa aming mga murang kaisipan. Subalit, tama lang yon.. itinuturo ni Annie na hindi mo kailangang magsuot ng magagarang mga kasuotan para lang makipaglaban. Mini-skirts lang ay pwede na. Bonus pa sa mga loyal patron ng Shaider, tulad ko ang makakita ng panty ng libre.
Itinuro rin ni Shaider na kung may ipinaglalaban kang palagay mo ay tama.. dapat ay makipagpatayan ka para makuha mo yun. At kung hindi mo pa rin maipaglaban ng maayos ang katarungan.. ilabas mo lang ang iyong espada't tusuk-tusukin at tuhug-tuhugin mo ang kalaban sabay sigaw: "Shaider Super Squirt.. este Slash!!!". At kung hindi pa rin nakuha ng pangeespada.. mas mabuting lumuhod ka na lang at manawagan ng "Shigi Shigi Waka Shigi Uuuuwaaaaaa <shigi shigi>"!
I can therefore conclude na si Shaider ay isang tunay na kakampi ng katarungan at kabutihan. Si Annie naman ay kakampi ng mga taong tigang at malalamig ang mga gabi.
Napakawalang kwentang post no?!
Monday, August 7, 2006, 07:52 PM - Realizations

Nung pauwi ako't nakasakay sa LRT, nagtext sa akin si Ate Jen.. nagforward. Usually, ang ginagawa ko sa mga forwarded quotes eh babasahin then buburahin.. pero this one caught my attention. Ang sabi sa text:
Never let someone be your priority, while allowing yourself to be just their option.
Naitanong ko din dati kay Marian, kung bakit napakaunfair.. kasi I really love prioritizing people but then hindi ko maramdaman ung pagpapriotize nila sa akin. Kahit maging number 2 or 3, di ko maramdaman (except siyempre sa family ko and some of my top-tier friends). Pero bakit ba there are people (myself included) who are so fond of putting others to their top priorities samantalang parang wala lang sa mga taong yun ung pagpapahalaga nila sa kanila? I don't know kung tlagang wala lang silang time ipakitang mahalaga ka or talagang wala silang pakialam sayo. But the fact still remains.. napakadaming taong nagpapakapasasa sa pagmamahal, pagpapahalaga at atensyon na binibigay sa kanila samantala sila walang pakialam or they at least wont bother to give a little bit of their time to you. Haha.. how vain talaga. Pero ganon talaga. Pero minsan nakakapagod na rin.. para kasing baliwala lang yung ginagawa mo. You're always there for people who can't be there when you need them. Haha labo.
I don't know why I wrote this though.. medyo strong lang talaga yung quote na un.. kung may tinatamaan man dito.. well, alam niyo na sa sarili niyo kung sino kayo. And yeah.. baliwalain niyo man ako kahit sobra ko kayong iprioritize.. sorry, you can't get rid of me. Not unless sigurong masagad niyo ang aking hangganan.. haha! I've felt this before.. dealt with this before... and I sure wouldn't let it happen again.

Thursday, August 3, 2006, 08:24 PM - Realizations

Photo totally unrelated sa blog.. natuwa lang ako kasi napaglaruan ko ulet yung lightsaber na regalo ni barbs!
Kanina, habang nasa FX ako biglang pumasok sa utak ko yung mga plays na ginawa namin nung college kami. Mga plays, na minsan puro kalokohan pero masaya. And I shall dedicate this blog of the day in reminiscing my 7 most favorite plays na pinagartehan ko nung college ako. These are all classroom plays lang.. wala akong time sumali sa mga university-wide theater orgs e.
In no particular order
Feng Shui
Course: Natural Science
Genre: Horror
My Character(s): Asawa ni Jollyn, Boses ni Lotus Feet
Co-Performers: Clara, Jollyn, Dale, Ken, Marc
Written by: me!!
We did this play during our Natural Science days. Third year kami nito. Ang storya, nakapulot si Clara ng bangwa tapos nung mapulot niya yun.. katakot-takot na kamalasan at kamatayan ang pumapaligid sa kanya at sa mga nakakakita ng Bangwa. Dahil dun, nagpunta si Clara sa Feng Shui expert para magpaconsult sa nangyayari. Sabi ng expert, kasalanan daw yun ng sumpa ng Bangwa. Dahil, dun niplanong sirain ni Clara ang bangwa para matapos na ang kamalasan. Pero bago niya masira ang bangwa, nagpakita sa kanya si Lotus Feet at sinabing wala siyang kasalanan sa mga kamalasan. Sabi ni Lotus Feet, ang mga namamatay na tao ay kagagawan ng kanilang hindi pagrespeto sa kalinisan ng kapaligiran. Natapos ang play after mamatay ang lahat at mabuhay si Clarang nagiisa.
Romance in Japan
Course: Rizal Course
Genre: Drama, History
My Character(s): Jose Rizal
Co-Performers: Puppy Pay, RC, Lourdes, Ate Rhea, Jayson, Erickson
Written by: history, duh! Script by RC.
Directed by: RC, Lourdes
Jose Rizal's story during his visit in Japan. First year pa lang kami nung nagplay kami nito. This is probably the best play I ever performed in during my entire college life. Kapartner ko dito si Puppy (who played as Seiko Usui), and I believe, this is the one the started the four-year Pappy-Puppy love team. Sobrang Pay brought out the best in me sa play na to. At sobrang nakakataba ng puso ang mga feedbacks. Good musical score, superb direction, topnotch acting (naks!), powerhouse cast... san ka pa?! They even went far as saying: "Nakakaiyak! Nakakakilig!", "Si Mam Castro, kilig na kilig". Sobrang namimiss ko talaga tong play na toh! Sana man lang nakunan namin ng video.
Ina, Anak, Pamilya
Course: Filipino
Genre: Drama
My Character(s): Andoy
Co-Performers: Jam, Dominique, Trudy, Frost, Jayvee, Sheila P., Mark R.
We were first year when we had this play para sa project namin sa Filipino. My character was killed off early in the play here. Then I assisted in the technical stuff of the play. Nilagay ko pa rin tong one of the best plays I ever performed in, kahit konti lang ang role ko, kasi sobrang ganda niya! Talong-talo pa ang movie ni Vilma Santos (badorts!). Ang galing ng acting nila Jam at Dom.. sobrang emote na emote talaga at kahit na ilang beses ko nang nakita yung mga practices.. di ko pa rin mapigilan ang madala sa acting nila!
Uhhhhmmmmm.. Semaphores!
Course: Operating Systems
Genre: Technology
Co-Performers: Kaye, Sheila P., Regina, Ralph, Jayson (?)
This was done during our Third Year in College. To make it easy for the class to understand the concept of Semaphores, we wrote a play to depict what happens when a system uses Semaphores. We used various techniques and situations to show the advantages and the limitations of Semaphores. We got a whopping 100 for this! Hhhmmm Semaphores! Hahha!
Professional Ethics
Course: Computer Ethics
Genre: Ethics
Co-Performers: Clara, Sheila V., Jayvee, Katrina, Aque, etc. etc.
During our fourth year, we were given situations (I think?) about computer ethics at kelangan namin ipakita ang mga implications nito sa society. Medyo kalokohan ang mga ginawa namin (i.e. cyber sex, online dating, etc.).. at feeling ko mababa ang grade namin... pero nagenjoy kami! As usual, nayurakan ko na naman ang pagkatao ni Villarba! Haha!
Rerum Novarum
Course: Social Involvement
Genre: Drama
Co-Performers: I forgot eh.
The only thing that made me remember this (aside from our topnotch acting of course!), was the fact that I had to put that maanghang/malamig/menthol stuff sa mata ko habang nakatalikod ako sa audience para maluha! Haha.. afterwards, ang hapdi ng mata ko kasi napakadami kong nailagay na menthol stick at kahit 10 minutes nang tapos yung play, luha pa rin ako ng luha!
Buhay ng ICS Student
Course: N/A (for Engineering Week)
Genre: Comedy, Musical
Character(s): Voice Over, Big Brother, Kaibigan ni Maximo
Co-Performers: ICOn Officers and Volunteers
Although Martin got the Lion's Share for this play for playing the role of Maximo, isa tong play na to sa mga sobrang memorable na plays na naganapan ko nung college. Fourth year kami nito, and since established "Man Behind The Voice" na ako, ang role ko lang was maging boses off-screen. First, niintroduce ko yung play. Secondly, si Big Brother (ayyy ndi.. ung big brother nung ICOn GA sa Metrobar yun.. pero since ICOn din to.. dito nalang). Then lastly, yung project mate ni Maximo na tinatawag siya para gumawa ng project. Ayun.. mostly nasa lights, sound system at computer operations kami ni Erwin.. but nonetheless, astig pa rin. DJ na DJ talaga! Hahah!
Gosh.. bigla na naman akong napasubo sa reminisce. Pero kanina ko pa talaga naiisip to sa office... sobrang everytime na break muna ako sa programming, ito yung talagang pumapasok sa utak ko. These plays really make me miss my college life more. At dahil sa sobrang nagenjoy ako sa mga experiences kong yan noon.. talagang nakakalungkot pag narerealize kong: I will never experience these again.
Sunday, July 23, 2006, 12:58 PM - Realizations

X Marks the Spot!
How I hate Math. Weird, kasi CS graduate ako. And they say that if you are to pursue CS, dapat kahit paano mahilig ka sa math kasi 80% (hula ko lang) ng mga computer programs eh gawa sa mathematical equations. Pero kahit 4 years akong hindi nakaiwas sa Math, hindi ko pa rin siya nagustuhan.
I can't say na bobo ako sa Math. I wouldn't have survived CS kung obobs ako sa Math, pero I just can't like it. Doing those freaking transposition makes me sick. Factoring makes me want to throw up. Differentiation and integration makes my nose bleed. Pero I just can't get away with them. Hindi ko alam kung bakit.. pero pag nakakakita ako ng numbers at letters at greek signs.. parang ayaw ko na talaga. Nawawalan na ako ng gana. Hindi ko rin maintindihan kung bakit laging sinasabi sa amin na: "kaya maraming math kasi para matrain kayong maganalyze ng mga problems at matranslate niyo into algorithms".. kasi honestly, I don't rely on my Mathematical knowledge para makapagprogram ako ng matino. And for a math-hater like me, people say I can make top-of-the-class computer programs. Not that I'm bragging though, pero I just want to express one thing: Math doesn't make a programmer good. And I'll be damned if it would.
Sa buong college life ko, binira ako ng sobra-sobrang Math: College Algebra and Trigonometry. Discrete Math I. Differential Calculus. Probability and Statistics. Integral Calculus. Discrete Math II. Operations Research and Management. Numerical Methods. Shet. Dumudugo na talaga ilong ko ngayong ineenumerate ko lang yung mga yan. Haha. Wala naman akong binagsak sa mga yan.. ang pinakamababa ko na eh tres (pasang awa). Pinakamataas ko naman diyan eh yung Differential and Integral Calculus. Pero halos mamatay ako sa takot sa Numerical Methods kasi wala akong pinasang quiz at exams dun (binawi na lang siguro sa Machine Problems). Buti na lang mukha pa rin akong mabait at kaawa-awa't naawa sa akin yung prof. May mga bumagsak sa subject na yun.. pero miraculously, hindi ako kasama dun. Haha.
Ang nakakapagtaka, okay ako sa Math nung bata pa ako up until nung 2nd year HS. In fact nanalo pa ako sa Math quizbee noon. At palaging line of 9 sa Math. Nagsimula ang aking "kabobohan" sa Math nung 3rd Year HS. Ewan ko kung bakit, pero sobrang nawalan ako ng gana sa Math. Ewan ko ba kung dahil sa lasenggo naming teacher na may baston na meter stick.. o dahil medyo nababarkada ako sa mga slackers din. Pero one thing's for sure.. nawalan na ako ng gana sa Math. Bumalik ng konti yung interes ko sa Math nung 4th Year HS... pero hindi rin sapat yun para makuha ko ulet yung mga line of 9 ko nung grade school ako. Actually, never na talagang bumalik ang hilig ko sa Math. Bumabalik-balik.. pero dahil kelangan. Pero yung tipong gagawin kong passion ang Math, like some friends that I know, hindi na talaga. Tamad na tamad nga akong magcompute kahit simpleng multiplication question sa utak eh.
Ngayong nagwowork na ako.. masasabi kong.. siguro less than 5% lang ng mga Math pinagaralan ko nung college ang nagagamit ko. Kaya talagang hindi ko alam kung bakit nagsayang kami ng tuition fee para sa mga Math courses na yan. Not worth the money. Pinayaman lang namin ang management at Math department. Haha naku sana hindi ko kainin tong mga sinasabi ko. I'll be damned pag biglang one time binigyan ako ng boss ng trabaho: "Paki gawan nga to ng program.. integrate at differentiate mo yung mga values.. tapos i-gauss-jordan mo yung results para magamit mo sa poissonian at stochasticastic methods what-the-fuck yan".
Math sucks. I'd rather do the X-like-crotch-chops kesa sa mga "Find x" equations. WTF.
Saturday, July 22, 2006, 03:54 PM - Realizations

This screenshot was taken a year ago. Supposedly for my first blog. I still get goosebumps when I see this screenshot. How I miss the days. =(
One of the best things that happened to me was when I was introduced to mIRC. Although mIRC had been around for quite some time, medyo late na akong nakagamit nun. My first encounter with mIRC was when a HS friend, Winnie Ona, asked me to install the mIRC client para tulungan siyang asarin yung isang kachat niya. Eh medyo madalang lang din naman kaming magkausap kaya dahil masaya ako't nakausap ko siya.. pumayag ako. I downloaded mIRC, then installed it. Pagdating ko dun, she asked me na tulungan siyang asarin yung si Sacred V, who is now my good friend Billy. Pero, biglang I decided not to. Una, bagong salta lang kasi ako dun. Second, wala naman atraso sa akin yung Sacred V para asarain. Lastly, operator siya.. baka makick-ban ako. But then I still remained on the channel for a while... until Billy PM'd me which officially started my mIRC era.
I used numerous nicknames during the mIRC era. Most of which were nicknames I've never used before in my entire internet life. Some of those nicks were: metalingus, m0rdecai, m0rd, MPIO_KiDD, Knight56 and KrKyWrKy. Each of which eh may backstory kung bakit ko ginamit. metalingus was the title of my then-favorite song. m0rdecai was the wrestler I found really cool (but got fired kagad). m0rd.. well go figure. MPIO_KiDD, something na accidentally na tinawag sa akin nung isa sa mga officemates ko nung nagOJT ako. Knight56, taking a cue from Rai's WhiteKnight and my favorite number appended. And KrKyWrKy.. pinaiksing KirkyWirky, obviously. Minsan pag nakaAFK ako, nagaattach lang ako ng nick`AFK or nick`OUT sa mga nicks ko. Minsan palit ako ng palit ng nicks for no reason at all.. pero it's almost certain na yung pinagpapalit-palit kong names eh isa sa mga nakalista diyan.
During the whole mIRC era, there were a good number of channels that I grew fond with. Siyempre nangunguna dun yung #ndgm kung saan after a few weeks eh nagkaron ako ng powers (thanks to Billy). Nandito kasi karamihan ng mga tao -- kilala ko man o hindi -- and almost always, Damers silang lahat. Subset ng #ndgm eh yung #st.eugene which i think was supposed to be the official channel of St. Eugene Batch 2004. Nonetheless, I was invited there by Billy (who also had powers over the channel).. and just the same as #ndgm.. nagkaron din ako ng powers dun in a few weeks. Most of the time I'm on either or both those channels. Pero maliban sa dalawang yun... mahilig din ako sa mga trivia channels kung san masarap tumambay pag wala kang magawa. Okay din sa #ust dahil dun ako nagtatanong-tanong kung may pasok ba o wala or kung kelan ba ang release ng grades, etc. etc. Hindi ko na rin matandaan yung ibang channels na napasukan ko... pero sa #ndgm at #st.eugene talaga ako sobrang nawili.
Siyempre the best part of that era was meeting my friends. Some of the people I knew sa mIRC, ngayon eh sobrang trusted ko na. One even got up to my A-List. Siyempre, most of them were/are Damers kaya sobrang birds of the same feather flock together talaga. For me, I met the coolest and the rarest type of friends sa mIRC and I'm so damn happy about it. Kabilang sa mga bago kong nakilala sa mIRC (who more or less became a crucial part of my life) were: Billy, Rai, Meland, Andre, Christian, Roselle, Aian, Chummy, Jann, Marron, to name a few. Siyempre yung ibang mga kakilala ko na, naabutan ko din dun. Some of them were: Fraian (1-2 times ko lang siyang nakasama dun though), Winnie, Arts, Jana, Myden, Jetro, etc. Masaya ako kasi through mIRC, nagkaron ako ng pagkakataong makakilala ng katulad nila na hanggang ngayon eh talagang naaasahan ko pa rin pag sobrang wapak ako. Then naging avenue din yun para maging mas close kami nung mga dati ko pang kakilala.
Pero sadly, just as all era(s), there came a point when my mIRC era ended. It was mostly because wala nang nagpupunta sa #ndgm/#st.eugene. It ended around June-July 2005, weeks after some of my friends got a taste of the freshmen year sa college (Billy, who were a year ahead of them, ended his illustrious mIRC career soon after his first day as a college student). I had a very wonderful 1 year mIRC era... and I really enjoyed every second of my stay there. Ngayon puro halos sa YM ko na lang silang nakakausap. At dahil it's no longer the chatroom type.. madalang ko na silang makausap na magkakasama kaming lahat. Nonetheless, masaya pa rin ako kasi it really changed my life one way or another.
Back Next





Calendar



